"Mahal na mahal kita" yan ang sabi mo ng minsang yakap mo ako. Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi. Pero bat ganito ang nararamdaman ko? May halong takot at pangamba. Oo mahal kita, mahal na makal kita. Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya, ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.
Natatakot ako na tuwing tinititigan kita na bukas ay wala ka na o baka, baka may mahal ka ng iba. Natatakot ako. Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba. Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata. na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba. Ayoko na... Gusto kitang yakapin at sabihing--- "Mahal wag mo akong iwan" Ngunit sasabihin mo "Mahal, ano nanaman ba yan?"
Akala mo biro-biruan lang ang pag sabi ko nyan, pero isang matinik na takot ang nararamdaman. Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa. Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi ako'y nag-aalala sa lipi. Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.
Mahal, pasensya na kung ganito ang aking nadarama sa pang araw araw na kasama ka. Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama. Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na. Mahal na mahal kita... Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya. Hindi dahil sa may mahal ng iba. Kundi ako'y na tatakot na. Hindi ko alam ngunit sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga. Puro pag-aalala ang nadarama. Daladala sa mga minutong kasama ka sa gabing malamig, sa mga tanghaling mainit. sa muling pag-luhat pag-iyak. Sa pananabik sa iyong mga halik.
Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin. Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba. Dahil aking nadarama may mas mahigit pa. Sa kaya kong alay sayo at ibigay sa pusong na nanamlay at nadudurog na kasing liit ng palay At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y Mayala ka na aking mahal, Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Have you ever really really loved someone that you can set them free?