Araw-Gabi paulit-ulit binalak limutin, mga tamis ng ala-alang pinagsamahan natin Araw-Gabi pinilit kong baguhin, mga nakasanayang tingin mo sa akin Araw-Gabi binubulong na sana'y dalhin, bawat pangungulila ko sayo ng agos ng dagat at ihip ng hangin Araw-Gabi hinihiling, na sana handa na akong tanggapin Na ako'y hindi na para sayo, at ika'y hindi na rin para sa'kin.