"Wag mo akong iiwan",
Lagi mong sambit sa akin.
"Ako'y nasasaktan at malungkot
Puso kong wasak gustong makalimot.
Jan ka lang sa'king tabi't
Damayan ako hanggang takip silim.
Iyong pasayahin panandali
Upang lungkot ko'y wag manatili."
"Wag mo akong iiwan",
Paulit-ulit kong pinakikinggan.
Lungkot mo'y aking papawiin,
Puso mong wasak aking bubuuin.
Di ako aalis sa iyong piling
Bukang liwayway pa'y dumating.
Sarili ko sa'yo ay iaalay,
Di ipagdadamot.
Wag mo lang din akong iiwan sa iyong paghilom at paglimot.