Bathala nga’y di nanghushusga Sa kawangis na nag – iba Mula ulo hanggang paa Lahat ginawa at pinagawa Matupad lamang ang sigaw ng diwa Nagsilabasan matatalas na dila Upang bigyan kami ng kakaibang mukha Bahagharing sa aming makikita Ito’y naging makulilim na sigwa Kami’y ginagawa nilang nakakatawa Kahit sakit na ang nagdudulot sa’ming sigla Mapagbigyan lamang ang kanilang tawa Ngunit ang kagustohang sinta Ay iyong ikinasasam’t pinagdadamut pa Nais lang naman pag – ibig at pag – aaruga Tanggap naming na walang magmamahal sa’min ng tama Wag lang ikumpara sa masahol na hayop sa gubat makikita Pantay na pagtingin kailan kaya ninyo ipapadama Ganito nga ba talaga ang gusto ni Bathala? Mababang tingin saaming ipinapakita Baluktot na paniniwala mayroon sila Siradong utak ay pagbuksan na sana Nang pagkakapantay ay Makita Ako at ikaw ay hinumal ng kamay ni Bathala Na walang pag-aalinlangang kasama