Kumalabit dugo'y dumilig kasama ang nangilid na patak ng luha at sa kabila ay sa usok ng bakal nakangiti
Mga Gintong ihinagis sa mga buwaya at babuyan Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam Wala na ngang pagkaalam Basta kain lang, lamon lang.
Umuusok sa dami ng nakisakay Mga pekeng tagapalakpak nakakabasag na halakhak Mga nakakakita, nabubulag sa tila Pyesta ng de-kalabit Iyak di marinig sa mga manhid na nakamasid
Tago, takip, tagpi itinuring na tama ang mga mali Teka, karapatan mo’y imamali panandali? at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli? Binalot ng tama kunwari
at sana huwag ka nang magtaka Huwag n’yo kaming gawing tanga!
Sa ngayo'y mananahimik sandali Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan? kaya matutong maghintay sandali, madali . . .