Kakahiwalay lang ng buwan sa kalangitan Disoras ng gabi, di pa 'ko naghahapunan Kinailangan magtrabaho, kakasara lang ng tindahan "Mamang Pulis, magandang gabi, anong inyong kailangan?"
Akbay, "may itatanong lang", aking narinig Hindi ko na malaman, bat biglang nanginig "Utoy balita namin ikaw ay sangkot" Niyakap ng kaba, hinaplos ng takot
Pagsigaw na walang kinalaman Suntok, sipa, mura ako'y pinaliguan "Tama na po, may exam pa kinabukasan" Animo'y mga bingi, mga kampon ng kadiliman
Kasalanang di ko alam pilit pinaako "Mag uuwi ako ng pansit" kay bunso ko pinangako Ngunit bilang na pala ang oras ko Dalawang segundo, ang narinig ko lang ay "Kalabit, takbo"