Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
24
24

Umaga na pala, gising pa rin ako
Kagabi pang walang tulog
Dilat pa rin mata ko
Masakit ang panga
Kakasigaw ng pangalang
Ayaw ng bumalik
Iniwan puso ko

Tanghali na pala
Busog pa rin ako
Kagabi pang walang kain
Alak laman ng tiyan ko

Mag gagabi na pala
Basa pa rin mata ko
Tuyo na ang luhang
Nasa unan ko

Babalik ka pa ba?
Maghihintay ako
Kahit na ilang araw
Mag aabang ako
Ayusin natin to
Sigaw ng puso ko
Masaya na sya sa iba
Bulong ng utak ko
Marlon F de las Verges
Written by
Marlon F de las Verges  Makati City, RP
(Makati City, RP)   
  485
 
Please log in to view and add comments on poems