Noon gumagawa ng tula Tungkol sayo at saking pangungulila Sabi ko, andito ako at hihintayin kita Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita Parepareho lang ang tema Laging tungkol doon ang nalalathala Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa
Ngayon sabi ko, Tama na muna siguro Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako Yung isip ko lalo lang gumugulo Siya pa rin naman ang hawak mo Tapos satin wala namang nagbabago Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"
Bukas, malay mo magkatagpo na naman Dito, doon o saanman Malay mo baka pwede nang muling simulan Yung naputol na pagmamahalan Kung kaya nang ipaglaban Kung kaya nang panindigan Kung kaya nang kalimutan Yung masasakit na nagdaan Kung nanaisin nang muling balikan Saka na lang ulit natin pagbiyan
Mahal, gusto ko lang sabihin Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin Habambuhay nang nakatatak sa paningin Ngunit akin munang palalayain Sa malayo na lang kita hihintayin Sa malayo na lang muna kita mamahalin Hindi na muna kita pipilitin Hayaan na lang muna natin Kung saan tayo dalhin ng hangin Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin