Palaisipan ang pagpili ng regalo para sa taong minamahal Syempre hindi pwedeng pandesal... pero di rin naman importante kung mahal Gusto ko sana yung personal, yun sa lungkot tagapagtanggal Para sa katulad **** espesyal, sana sa puso at isip mo magtatagal Syempre hanggat maari kasing bisa ng dasal, yung kasing saya gaya ng mga ikakasal Yung tipong pag-abot ko pa lang sayo, yung ngiti mo mula U.P hangang La Salle Maligayang kaarawan!! Dapat ngayon puro saya lang Kasi araw mo ito.. sayo lang.. walang pwedeng humadlang Hayaan **** mabahiran ng tsokolate ang iyong matamis na ngiti Kasi yung nagiisa **** TSOKOLATE.. wala ng sino man makakabili