Mahal, bitawan mo na ako Bitawan mo na ang mga kamay ko Dahil bibigyan ko na ng halaga ang sarili ko Bitawan na ang mga paa ko At hayaang tumakbo palayo sayo
Mahal, hanggang dito na lang tayo Ayoko ng dumating sa punto Na magkasakitan pa tayo
Mahal, alam kong hindi na ako Ang nilalaman ng iyong puso Kaya mahal, palayain mo na ako.