Salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kwento ko Sa mga pangaral sa mga simpleng problema at pangyayari sa buhay ko Ikaw ang unang nakakaalam pag may problema ako. Kapag naiinis ako, nagtatampo, masama ang pakiramdam o nalulungkot Sobrang nagpapasalamat ako sa pagiintindi mo sakin. Kahit minsan makulit ako Ipinagmamalaki ko sa lahat na ikaw ang mama ko Kasi pinalaki mo ko ng maayos Salamat din sa walang sawang pagsuporta saakin sa lahat ng bagay. Sa pag compliment ng mga drawings ko hehe Dahil dun napapalakas mo ang loob ko:3 Pinapalakas mo ang loob ko palagi Salamat sa paniniwala na kaya kong lampasan ang mga problema sa buhay. Salamat kasi kahit kailan hindi ko naramdaman na kailangan ko maging magaling na anak para maging proud ka sakin. Salamat kasi yung mama ko yung pinakanakakaintindi sakin. Ikaw ang pinaka bestfriend ko sa lahat. Lahat nang yun naaappreciate ko ng sobra sobra.