Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Parang Kailan Lang

by psalmiseta

061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit mong pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat mong ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa mong ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
Request permission to use this poem
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
For You?
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
Published
Jun 10, 2017
Time
4m
Permission

Request to use this poem

Tell psalmiseta how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write