Dinggin ang bawat salita mula sa puso ko mahal. Ikaw lang ang sinisigaw ng damdamin kung tunay. Araw araw at gabi gabi, isip ay hindi mapakali. Puso'y laging kumakabog habang ikaw ay nasa tabi.
Totoo ba talaga and nararamdaman? Na ang pag ibig ko sa'yo ay walang hangganan. Na sana ako'y mahalin din ng walang katapusan. Sa paglalakbay, kamay mo lang and lagi kong hahawakan kung saan man ang patutunguhan.
Ligaya s'akin mga mata habang ikaw ay pinagmamasdan. Hindi kapanipaniwala na ang pagibig mo'y s'akin lamang. Ingatan mo ang puso kong madaling masaktan. At ang hiling, o giliw, ay mahalin ng sapat at ng lubusan.