Pilipinas, Pilipinas kong Mahal ni Norfhel V. Ramirez
Pilipinas, Pilipinas kong mahal... Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal... Kahirapan ang daing ng karamihan... Bayan ko kaya ay makaahon pa...
Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan... puro daing ang binibitiwan... Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan... pero paano ang ating bayan...
Politikang sing sangsang pa ng malansang isda Korupsiyon ang gawi ng iba... Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan
Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan... Animoy alipin sa sarili nating bayan... Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman... para lang yumaman ang iilan...
Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili Rizal, nasaan na ang pinaglaban? Animoy nalimot na ng karamihan... Animoy binura nabura naba sa kasaysayan...
Mga sakripisyo nang ating mga bayani Nag buwis ng buhay para sa ating bayan... Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan...
Sana ating pagnilay nilayan... Pilipinas, Pilipinas kong mahal Ngayoy nasaan na... Naghihingalo sa kamay ng bayan...
Bayang nakalimot na... Bayang nagsilisan na... Bayang sarili lang ang inuna... Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan...