Siguro ay hindi mo na ako kailangan Unti unti mo na natatagpuan ang kasiyahan Masama bang hilingin na sana magpatuloy ang iyong kalungkutan? Nang sa gayon ay lagi mo pa rin ako lalapitan.
Ako muli sana ang magiging dahilan Ng iyong pagngiti at kaunting tawanan Ngunit akin namang maiintindihan Kung unti unti mo na akong makakalimutan
Sana ay patuloy **** makamit ang tunay na kasiyahan Ako ay nandito lang, palagi mo yan tatandaan Tatawagin mo lng naman ang aking pangalan Subukan kitang puntahan kahit saan pa yan