Uuwi nanaman ako sa luma kong tahanan Titingin sa mga pader At kakausapin ang mga sulok Titingala, hihiling sa gabi at bituin Na sana mapawi na ang kirot Na nadarama ng puso
Masakit na ang mag isa
Masakit na ang walang mapaghingahan At ang tanging tinig na maririnig Ay ang alingawngaw ng isip
Pipilitin ko umidlip. Pakiusap, hayaan mo akong umidlip At manatiling ligaw Sa panaginip kong ninakaw Ng mga lumipas na araw Dahil napagtanto ko na...