Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Silong

by @psalmiseta

032317 Sinubukan kong intindihin ang bawat salitang sinasabi mo Hinabi gamit ang iba't ibang lenggwaheng Bago lang sa paningin at pandinig ko. Natakot ako pagkat hindi ko maintindihan At dumating na nga sa puntong hindi na  rin kita maintindihan. Kaya sumubok akong humanap ng ibang kahulugan Nagbaka sakaling sa "doon" ay may mapupuntahan. Pero mali pala yung takot na namuo saking pagkatao. Lahat ng sabi kong iintindihin ko'y bigla na ring naglaho. Lumapit ako sayo pagkat kinakain ako ng emosyon ko, Ng takot, duda at kakulangan sa tiwala sayo. Sinambit mo sa aking tumigil na ako -- Sa pag-aalala sa mga bagay na ikaw mismo ang aareglo. Dagdag mo pa'y ikaw ang aakay sa mga walang katapusang kahinaan ko At doon ako natutong: wag ka nang ipilit ang kakayahan ko. Nilinis mo ako at ginawa mo pa ring bago At sabi mo pa nga'y aabahin mo ako Hanggang sa makarating tayo sa simulang dulo. Ama, sa aking pagpapasakop, Pwede bang yung buong ako Yung yakapin mong may pagkalinga? Napagod na kasi akong mag-isa Gusto ko nang sumilong -- Sumilong sa tangi mong presensya.
Request permission to use this poem
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
For You?
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
Published
Mar 22, 2017
Time
2m
Notes

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.  - Juan 13:7

Permission

Request to use this poem

Tell psalmiseta how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write