Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Babae Sa Dilim

by jandeluy

Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim, Ikaw na nakakapit sa patalim: Di ba nasusugat ang porselanang palad Na kasing lambot ng puwit ng sanggol? Sa matalim na kutsilyong kinakapitan Ano mang oras hahatulan ng lipunan? At sa higpit ng piring mo sa mata, Pasasaan pa't mabubulag ka na Ikaw na babaeng gumigiling-giling, Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi Ang sugatan mong puso'y walang gamot Ngunit ang kandungan mo'y sagot Sa mga problema ng mga lalakeng– Naghahanap ng panandaliang saya. Ikaw ba, babaeng hubad, Naranasan mo na ba ang lumigaya? Kumusta na ba ang anak mo sa una mong nobyo? Balita ko'y di ka na niya kilala. Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya Na pinagkakasiya ang padala mong barya? Naalala mo ba ang bilin sa 'yo Ni Karla na siyang una mong bugaw? "Huwag mong bigyan ng puwang sa utak mo Ang sasabihin ng Inay mo. Sasampalin ka niya, di ng palad niya, Kun'di sakit na dama ng isang Ina. At iyon ang pinakamasakit Sa lahat ng puwedeng sumakit." Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili Kung saan ka nagkamali? Kung ilang liko ang ginawa Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba Na pinamamahayan ng mga paniking Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili, Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang Ang buhay nila sa dilim, Pasasaan pa't nasanay na rin. Ikaw na isang mabahong lihim Ng mga mister na may misis na bungangera Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag Sa mga suso mong malusog, pinili nilang humimbing. Ikaw na pantasiya ng karamihan, Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli, Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo, O ng matandang libog na libog sa mabango mong kepyas Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa Viagra? Saan ka na ba nakapuwesto ngayon? Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora? Ilan na ba ang napuntahan mo? Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog? Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque? Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo Kahit na alam ninyo ng Diyos Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno. Ikaw na babaeng walang pangalan, Ano ba ang itatawag ko sa 'yo? Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid O sa mga artistang iniidolo mo? Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo? Ikaw na babaeng marumi, Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta? Wala ka nang kawala sa dilim, Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga at magpapasalamat sa biyaya. Ikaw na babaeng bukod tangi, Ginawa mong lahat pero hindi naging patas ang mundo. Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Request permission to use this poem
Written by
jandeluy
For You?
Written by
jandeluy
Published
Mar 21, 2017
Time
5m
Tags
#poetry#philippines#filipino#manila#tagalog#tula
Permission

Request to use this poem

Tell jandeluy how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write