Ang mensahe ko sa pamahalaan, Pakiusap wag niyo kaming gulangan Pagkat di naman kayo dayuhan, Para magkaroon ng pusong gahaman
Huwag niyo sanang ibulsa ang pondo Na pagmamay - ari naming mga pilipino Pagkat pinaghirapan namin ito, Dugo't pawis puhunan diyan,para may maibayad sa inyo
Ano ang silbi ng mga slogan at mungkahi nihong patakaran Noong nakaraang halalan? Yun ba ay agad nakalimutan?
Di ba't marami kayong pangako Na sabi niyo'y di mapapako? Nasaan na ang mga ito? Naglaho ba kasama ng bagyo?
Nasaan na ang inyong sinasabi Na bukambibig niyo palagi "Kung walang kurap,walang mahirap" Nakalimutan niyo ba sa isang iglap?
Ito pa nga ang isa, Tila mas maganda sa nauna "Ang tuwid na daan" Eh puro liko naman ang nasa pamahalaan!
Alam niyo di dapat pilipino Ang itawag sa mga tulad niyo Pagkat kayo'y may pusong dayo Pawang mga gahaman at tuso
Para kayong espanyol na dayuhan, Kinakamkam ang aming pinaghirapan mababait lang kapag may kailangan Lalong - lalo na sa araw ng halalan
Pwede rin kayong maging amerikano Mayaman nga,panot naman ang ulo Maaari ring maging hapon, Na nagpasakit nang ating kahapon
Bakit ko ito sinasabi? Para malaman niyo ang mali, Baka sakaling kayo'y magbago, Para pilipinas,mag-iba ang takbo
Wala sanang tamaan dito sa nilalaman, Pagkat ito ay karapatan: Ang maipahayag ang nilalaman, Nitong damdamin ko at isipan..