Ayoko na sana mag drama Kaso lagi nalang may nagpapa-alala Ang damot naman nila Ikaw lang naman gusto ko makasama
Hindi ba puwedeng ibalik nalang natin sa dati? Kung saan tayo'y masaya at walang ibang iniintindi At kung sana ating iniwasan na may nasasaktan, nahihirapan at iniiwan
Nagsimula sa "oo sinasagot na kita" Nagtapos sa "break na tayo, ayoko na" Ikaw naman ang nagkulang hindi ba? Ngunit bakit ikaw ang nangiwan?
Ang mga memoryang ito Ay naging aral sa pagkabigo ko At sana'y ako'y matuto na Nang ako'y hindi na masaktan pa