kaba, takot at saya ang pumapalibot sa ating dalawa. ikaw na mismo ang nagpakita na hindi dapat ako mangamba.
sa mundong hindi tumatahimik, boses mo lamang ang aking naririnig. at kahit anong pilit sa puso kong hindi matahimik, hanap ko ang iyong pag idlip.
hindi ko matukoy kung ano ba talaga, walang nakakaalam kung bakit nga ba.
hindi natin nakikita hindi nahahawakan hindi naamoy, nalalasahan at naririnig.
pero alam nating dalawa. alam natin na
tayo ay masaya.
masaya sa kung anong mayroon tayo masaya sa kung anong wala tayo masaya sa lahat ng bagay basta masaya, masaya sa isa't isa.
tinangap ko na, mga ilang oras,araw at taon na ang lumipas wala na ang sakit, wala na rin ang manhid dahil masaya na ako kung saan ka masaya.
dito sa kung saang walang tayo pero may ikaw at ako.
natutuwa ako sa'yo kung pano ka natuwa para sa'kin, napapangiti mo parin ako kapag naririnig ko ang pangarap mo sa iba, kung pano mo siya nakita, nakausap at higit sa lahat nakasama.
huwag ka na mag alala dahil lagi naman ako nandito para maging gabay mo. huwag mo na ring isipin ako masyado, kaya ko naman na sarili ko.
paano ba naman ikaw mismo ang nagturo sakin kung paano tumanggap ng maayos. aba, ayos nga. kasi hanggang ngayon kaya ko pa.
sabi nila, bakit daw hindi naging tayo. ikaw na ang sumagot na hindi pwede maging tayo kasi masaya ka kung anong mayroon tayo ngayon. ngunit hindi ko na nahabol sagot ko. "okay na akong sabihin **** tayo huwag lang mawala ang ikaw at ako."