Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Pumikit

by BrixArtan

Pumikit Lasapin ang bawat saglit na lumalangitngit ang pawis sa inyong balat na magkadikit. Huwag niyong ipagkait sa apat na sulok ng silid ang kanilang karapatan masilayan ang inyong pagmamahalang saglit Igapang mo ang iyong mga nananabik na daliri sa pambalot ng kanyang laman, Sa bawat segundong inuudyok at kinikililiti ang iyong kasiping isiping siya ay isang anghel na ipinadala ng diyos ng dilim ng silid Manampalataya Manalangin na ang sandaling maglapat ang iyong labi sa kanyang katawan ay pang-matagalan Na ang pagsamba mo sa kanyang katawan ay magiging makatarungan Iyong lubusin ang pag-halo ng laway at pawis Tumingin sa pagkinang ng namumuong asing itinuturing mong bituin dahil sa bawat paglamas ng inyong dila sa isa't-isa, dahil sa pagdurugo ng labi, dahil sa panggigil at kagutuman at libog ng katawan at isipan Hangga't siya'y nagugutom at uhaw sa maling pagmamahalan– Kumapit Hayaan ang sarili maipit sa kanyang bisig sa tuwing pipilipitin niya ang iyong isip gamit-gamit ang kanyang mga matang nanlilisik sa pagnanasa at tamis na kay pait Ang kanyang mga mata na nagpapakita ng kaluluwa na umiiyak dahil hindi kayo para sa isa't-isa Iyong nahihinuha na pareho lang kayong dalawa, parehong kumakapit sa ideya na ang pakikipagkantutan ay paraan para mahanap ang pag-ibig na bumabalot sa mundo't umaakap Umakap Panghawakan ang alapaap at huwag kang kukurap para masilayaan ang pamumuo ng mga ulap sa kanyang mga mata, Ang pagbaha ng inyong mga kalooban dahil sa pagragasa ng inyong kahayukan Ngunit wag kang magpahinga. Hayaan mo siya ang mauna sa pagpapahinga, Ito ay senyalis ng pagkapagod at pagsuko sa kasiyahan na inyong tinatamasa Masasabi mong masalimuot ang karanasan na ito kahit nilubos mo ang pagkakataon na kayo ay nag-indakan sa bawat sulok ng silid na madilim na sa pagtapos wala na kayong ibang magawa kung hindi– Huminga Huminga ng malalalim bago umalpas ang inyong kamunduang pangsandalian At sa pagwaglit ng iyong hanging ibinuga, tanggapin sa sarili na libog lang ang inyong nadama
Request permission to use this poem
Written by
BrixArtan
For You?
Written by
BrixArtan
Published
Feb 2, 2017
Lines·Words
49·322
Notes

Check out more of my works on: brixartanart.tumblr.com

Tags
#love#poem#poetry#sex#filipino#tagalog#tula
Permission

Request to use this poem

Tell BrixArtan how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write