Verse 1: Wala sa yong mga mata Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan. Bakit? Yan ang sinasabi ng mga tala, buwan, maging kalangitan na tuwing gabi’y ito ang nakikita sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik sa yakap at halik.
Bridge 1: Aking inaasahan na sanay di sabihing mawawaglit ang oras, natirang sandali.
Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan.
Verse 2: Kahit may ibang magparamdam Sayo ako, pangako yun magpakailan man. Bakit? Dinig ko sa paligid ko Sayo lang nabuo wasak kong mundo Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama. Sa yakap at halik, sayo ko nabatid na mahal kita.
Bridge 2: Aking inaalala Sa panahong ika’y nabubuhay pa ang oras, natirang sandali.
Chorus: Sa pagpanaw mo nagkakadahilan kung bakit ako’y nanatili’t, naniniwala sa walang hanggan.