Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Pula

by mary-ederline-mamburam

Ito ng kulay ng iyong puso Ang kulay ng lipstik Na binili ng iyong ina nung ikaw ay tinedyer Ang kulya ng bulaklak na binigay sa iyo sa araw ng mga puso ng iyong manunuyo Hindi babanggitin ang rosas na niregalo sa yo ng kaibigan mong babae sa kampus nang ikaw ay nasa kaibuturan ng iyung kabataan, Ang kulay ng mga di mabilang na mandirigma sa kabukiran Na sumisigaw ng kapayapaan. Ang kulay ng butil sa unang dapyo ng sikat ng araw Sa panahon ng anihan. Ang kulay ng asukal na muscovado mula sa pawis ng mga manggagawa sa azucarera Ito ang paborito mong kulay noon. Sa gitna ng lakbayin na masukal Ginusto mong maging mapusyaw Ngunit ang iyong pag-aalab ay puno ng kulay na ito Sa iyong mga kapatiran sa masa Pagsigaw ng hustiyang pang-ekonomiya Ipagbunyi ang kulay ng iyong puso! Ang sing-init na kulay na nararamdaman mo hanggang ngayon Kahit na pumupusyaw ang iyong kabataan, Nanatili itong kulay ng iyong pag-aalab.
Request permission to use this poem
m
Written by
mary-ederline-mamburam
For You?
m
Written by
mary-ederline-mamburam
Published
Jan 11, 2017
Lines·Words
51·163
Tags
#tagalogpoemalabngpuso
Permission

Request to use this poem

Tell mary-ederline-mamburam how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write