Nagsimula ang lahat sa kanta Sa kanta na nagsilbing tulay sa'ting dalawa Na parang tubig at langis- Sa wakas nagsama
'Di inakala na magkakaganito Dahil wala naman talagang pagtingin sayo Ni hindi nakitang magiging magkaibigan Hanggang nagkaroon ng tiyansang baka pwede ng walang hanggan
Walang hanggan na paguusap Walang hanggang pagtatawanan Walang hanggang pagiintindi ng mga Tingin na hindi alam kung ano ang sinasabi
Pero tila takot parin Ang pusong napagod sa mga sakit Na idinulot ng mundong mapait Takot makaramdam, tumibok
Sumubok ng bagay na hindi sigurado kung saan patungo Na baka isa na namang patibong Na kukulong sa isip kong lunod na lunod na Sa mga kathang isip at imahinasyon
Kaya hanggang dito na lang muna siguro Pipigilan ang mga ilusyon at delusyon Na sisimilan na namang gawin ng puso Para kahit hindi matupad ang salitang "tayo" Mananatili parin akong buo kahit papaano