Heto, At may aalis na naman sa ating dalawa May maiiwan na namang mag-isa Mag-isa na pagod at wala wala sa isip, wala sa sarili Sarili na dinala mo sa iyong pag-alis sarili na dapat ipinagtira Sana nagtira kahit papaano pero naibigay na lahat sa'yo Buong puso at tanga sapagkat buo Sapagkat nagmahal minahal ka- ng totoo.
Heto, Buong-buo parin, ang hinanagpis hindi ako Totoong-totoo parin, ang realidad Na kailan ma'y hindi hindi ako ang pinili mo.
Heto, Ngayon wala walang-wala simula nung dinala mo ang lahat na kung ano mang meron ako meron ako na wala Noong hiningi ko pabalik sabi mo wala wala na Wala na meron Dahil naubos mo na sa pagsalba sa sarili Kinamkam Sakim Gago.
Heto, Ito nalang ang natira Isang pusong bumabawi, nagpapalakas Bago Na kung sakaling sa pagbalik mo Iba Hindi na kita kailangan para buohin ako. At ikaw naman Ang maghahanap sa mga piraso ng puso monh ginamit ko para tahi-tahiin ang sarili kong winasak mo
Heto pa, oh sayo na yan sayo na lahat Kahit anong yaman kaluluwa mo'y dukha Bagay sayo mga tira-tira.