Kasabay ng aking paggawa ng tula ay ang pagbitaw sa pangako mo na "akin kang babalikan" Kasabay ng pagiba ng ihip ng hangin ay ang pagtangay sa puso kong dati'y walang ibang isinisigaw kundi ang iyong pangalan
Isa kang salamangkero Pinaniwala mo ako sa mahikang kailanma'y 'di totoo Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pag-ibig na nagpalapit sa atin Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pinaniwala mo ako sa pag-ibig
Pero teka Pag-ibig nga ba iyon o isa lang iyon sa mga pelikulang iyong nilikha? Na sa umpisa palang ay nakalagay na ang mga katagang "Babala: ang sususnod na programa ay walang halong katotohanan Huwag seseryosohin"
Una palang kitang nakita, nakuha mo na agad ang aking atensyon Katulad ng isang kwintas Una mo palang makita, hindi mo mapipigilan na mapalapit agad iyon sa puso mo
Naaalala mo pa ba ang regalo mo sa akin? Kwintas na may hugis pusong disenyo Sabi mo, iyon ang sumisimbolo na nasa akin na ang iyong puso Ngayon, alam ko na kung bakit Dahil tulad ng metal na kwintas na iyon, Ganon din katigas ang nilalaman ng iyong dibdib