Sa wakas tayo magsisimula Sa wakas na ito doon malalaman ang ating kapalaran Ang kapalaran ng istorya nating dalawa Kung tayong dalawa nga ba ang para sa isa't isa O hanggang kathang isip na lamang tayo Kahit tayo ay nag wakas Hindi ibig sabihin na tapos na ang kuwento Paalala, nagsisimula pa lang ang kuwento Magsisimula pa lang ang mga nakaabang na pagsubok Mga pagsubok na pwedeng magpapalapit O magpapalayo sa atin Hindi ako umaasa Ngunit ako ay nangangarap Na sana sa isang araw Pagkabukas ng aking mga mata Ikaw ang aking unang makikita At liliwanag sa araw ko