Gumawa ako ng tula dahil gusto ko Kagaya ng pagkagusto ko sayo Noong inakala kong kaibigan lang Ngunit ang damdamin ko'y nalinlang Na hindi ko man lang namalayan Ako'y nabighani sa ipinakita **** kaugalian Na kahit hindi man lang kagandahan Ay wala parin akong pakialam Dahil sadyang ako'y nagmamahal lamang. Kaya salamat dahil nakilala kita Sa mga araw na ako'y naging masaya Dahil sa mga kabaliwan **** dinala Subalit akin ng tataposin ang salaysay dito sa aking damdamin Na gaya ng mga sigarilyong mauubos din Sapagkat nalaman kong ika'y pula, at ako'y itim Pero hindi lang yan ang mga rason Kung bakit ititigil ko na ang aking ilusyon.