Ayan! Siya pala yung taong Minahal ko (At patuloy ko pang minamahal) Oo, nakakalula yung tingin at ngiti nya At kung marinig mo man ang mga tawa niya Naku! Gagawin mo ang lahat para Marinig at marinig at marinig at marinig Paulit-ulit ulit-ulit at hindi mo pagsasawaan Ang mga tawa niya.
Siya pala yun Yung kaya kong gawin lahat Ipaglaban hanggang sa dulo Noon, walang kasiguraduhan Yung pinagagagawa ko sa buhay Hanggang siya.. Dumating nga siya’t lahat ng bagay Ay may kabuluhan Ang mga araw ay naging Mas maaraw Nakikisayaw na rin ako sa mga Ulan sa hapon At sa gabi Di alintana ang lamig sa init ng mga yakap Kapag yumayakap Sa bawa’t sandali.
Siya nga yun Yung nakiusap na bumitiw at bitawan Mga kamay na hindi ko pa nga Nahawakan Mga ngiting hanggang sa litrato na lamang Mga salita ng pag-ibig Na hindi pa naipaglaban Pero bumitaw na siya At naki-usap ako’y bumitaw na.
Siya yun Yung kaya kong gawin lahat At ngayon ay paulit-ulit kong Binibitawan Sa puso at isipan Kung kaya ko siyang ipaglaban Siguro (sana naman) Kaya ko din siyang bitawan.