Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?” Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa Maikli kong tula ….
Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . .. Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban
Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman …
Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng Tuwa at pasakit na aking nararamdaman
Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa Akin wala akong pakielam … Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL KABA ?
Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman Ang laman ng aking isipan
Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus Iba ang siyang nanahan , Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit Na alam na walang dapat asahan
Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam
Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN”
Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan
Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya Kahit na hindi man lang niya nalalaman