Wala ba talaga ako halaga sa iyo? Kahit isang litrato ay wala sa iyong telepono? Ganun mo ba ako hindi ka-gusto? Ni hindi mo man lang ako kayang tignan na parang mahal mo?
Hindi kita matanong kung ano ang talagang iyong gusto Natatakot sa maaaring isagot mo Tinanong mo ako kung naiinip na ako Gusto kong sumagot ng “Oo”
Ano ba ang gusto **** maging sagot ko? Gusto mo bang ako na mismo ang kusang lumayo sa iyo? Ano kaya ang iyong tugon kung sabihin kong may manliligaw na ako? Ipaglaban mo kaya ako at ituring sa wakas na sa iyo?
Ayaw ko hanapin pa ang lugar ko sa puso mo? Ano ba talaga ako sa pagkatao mo? Nais mo ba akong manatili sa tabi mo? Manatili hangga’t makahanap ka ng kapalit ko
Sana ay hindi ka na lang umamin Sana ay nanatili na lang ng katulad ng nagsisimula pa ang sa atin Nagpapakiramdaman, nagkakamabutihan Walang aminan, nagtataguan
Ngayon ako ay nahihiya Bakit ganun ang inasal ko sa aking pagsinta Naging hindi totoong ako Ninais na maging lahat na iyong gusto
Paano nga ba tayo magtatapos? Tayo pa ba ay may simula sa pagtatapos? Ako lamang ba ang sumisinta ng labis? Ako lamang ba ang nag-iisip ng ganitong labis?
Sabi ng utak ko ay huwag na umasa Huwag nang maghangad, tama na sa parusa Kung gumagana man ang puso Ang sabi nito ay sundin ang bugso
Maari naman natin ayusin Sabihin mo lang sa akin ang iyong naisin Ano ba ang gagawin upang maitama ang mali? Ano ba ang gagawin upang maging pag-aari mo muli?
Ganito talaga ang aking pag-ibig Laging sawi, laging nagsusumamo Pag-ibig na hindi lagi masuklian Hindi mahalaga sa kahit na sino man