Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Alam kong ika'y nagluluksa,
Sa pagkamatay ng dalawa sa iyong pamilya.
Alam kong mukha mo ay hindi maipinta,
Pagkat ramdam kong ika'y mangungulila.

Alam kong mahal na mahal mo sila,
Dahil mula sa iyong pagkabata, kasama ka nila.
Nanatili ka sa kanilang puso kahit na malayo ka,
Magkahiwalay man kayo, sa puso mo ay hindi sila mawawala.


Sayang nga lamang at wala ako sa iyong tabi,
Upang yakapin ka at sa aking balikat ay humikbi.
Magkagayunpaman, puso ko rin ay nagtatangis,
Dahil alam kong sadyang napakasakit ang maghinagpis.


Ibubulong ko na lamang sa hangin
Na ikaw ay aluin at yakapin,
Nang maramdaman **** kahit wala ka sa'kin,
Puso ko nama'y nandito at sa iyo'y naghihintay pa rin.
Written by
Eugene  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
768
 
Please log in to view and add comments on poems