Isa kang kidlat, Panandaliang liwanag sa gabi kong maulap, Ikaw ang bagyong matagal ko nang pinagdarasal na dumaan at manatili, Istorbohin mo ang kalmadong dagat sa pusong nananahimik, Ibigay mo ang mga kulog mo na ikakabingi ko, papakinggan pa rin kita, Ibuhos mo ang ulan mo, Ang hangin mo, na kayang ipaalala sa'kin kung paano ginawin. Iparamdam mo ang hagupit ng bagyo mo, At pangako, Magiging matatag ako, Ipagdarasal na manatili ka.