Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal Na tila ba ang bilang na pilit ibinubunyag ang parehong bilang na ibabawas sa kabuuan ng aking pagsinta Mahal, okay lang; ikaw ay aking naiintindihan Alam ko kung paano ang paulit-ulit na pananakit at pagkabigo sa digmaan ng pag-ibig ay walang iniwan kung ‘di abo ng pag-aalinlangan at pagkukumpara sa mga bagong kasintahang ipinalit sayo Alam ko ang lasa ng pait na sumasalubong sa iyo sa bawat paghinga Kung kaya’t nung iyong tinanong ay walang magawa kung hindi ika’y pagmasdan Titigan ang bakanteng mga matang wala nang mailuluha Mga kamay na pagod na kabubuhat Mga labi na wala nang ibang alam bigkasin kung hindi “patawad”kahit hindi alam kung para saan Wala akong magawa kung hindi ika’y pagmasdan Dahil alam kong hindi mo na naririnig ang anumang salita maliban kung ito’y “paalam” Kaya hayaan **** ipadaan ko na lamang sa pagyakap ng hangin at pagbati ng mga bituin ang mga katagang isinusuka ng iyong mga tainga Kasi mahal, mahal kita At hindi ako titigil hanggang sa makita mo ang parehong taong tinatawag kong akin Hayaan **** punan ng umuumapaw kong pag-ibig ang natuyong lawa ng iyong pagmamahal Pagmasdan mo kung paano pagsasama-samahin ng araw-araw na aking pagyakap ang pira-piraso **** puso na nagkalat At alam kong pagod ka na kahihintay sa mga tunay na bagay kung kaya’t pinipili mo na lamang ang mga “pwede na” Pero andito na ako, At mahal, pangako, tapos na ang pag-aabang Hindi lahat ng nagsasabing mahal kita ay nagsisinungaling
Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal Tinanong kita kung ilan na ang nanakit sayo Sabi mo, isa At saka binanggit ang sariling pangalan sabay sabi “tapos na”
A Filipino piece I wrote and performed for Doxa's event entitled "Head Over Heels"