Para sa kauna-unahang nilalang na mabubuo sa aking sinapupunan Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang na ika’y aking papangalanang “tao” Dahil alam kong dadating ang panahon na iyong susubukang alamin ang kahulugan ng itinatawag sa iyo At nais ko na sa iyong paghahanap ay iyong maungkat ang balde-baldeng mga salitang nakalimutan na ng ating lipunan Sabay nating tutuklasin kung sino ka nga ba sa isang mundong mapangdikta Na sa bawat pagsabi ng “Magpakalalaki ka nga!” Alam mo na upang maging isa ay kailangan **** maging tao muna At sa unang araw na ika’y magpapaiyak ng sinuman sa ngalan ng “pagiging lalaki”, Ay sisimulan ko ang pag-uukit ng mga linya sa iyong mga palad Upang sa tuwing padadapuin ang kamay sa sinuman sa ngalan ng karahasan ay una kang masasaktan
Anak, Gusto kong malaman mo na kahit di ko pa alam kung ano ang iyong paboritong kulay Alam ko na ang nasa kaibuturan mo Dahil tulad ko, ika’y isa rin lamang nilalang
Pupunuin ko ang kwarto mo ng libu-libong salamin Dahil alam kong darating ang panahon na bubulungan ka ng kung anu-anong mga korporasyon na nagsasabing ika’y kulang pa Kinukutsya ang bawat aspeto ng katawan **** di sakto sa kanilang imahe sayo At nais ko na sa iyong pagising at pag-uwi ay di matatakasan ang tignan ang sarili sa salamin Umaasang maaalala ang ipinangalan sa iyo ng nanay **** nakatayo rito ngayon
Tao, Isang araw ay itatapon kita sa mundo Hindi iiwan pero hahayaang mamili para sa sarili Tandaan ang pangalan mo at unawain na hindi lahat ng likha ng tao ay tama
Balikan mo ako sa iyong unang galos.
This is a piece I wrote for my Theology class that tackled the distorted view of men in alcohol advertisments. It's also in Filipino--which is my native language.