hindi na kita ipaglalaban, sawang-sawa na ako mula nang 'yong iwanan na ang puso'y nagdurugo
hindi na kita ipaglalaban, hindi na tulad ng dati na pipiliting ibuklat ang mga mata para lang makausap ka pa
hindi na kita gagambalain sa pagtatanong sa'yo ng anong maaari kong gawin upang mapangiti ka at makita ang nakasisilaw **** ngipin, ang 'yong ngiting nakapanlalambot, ang 'yong mga matang natutuhan nang ako'y malimot
hindi na kita guguluhin sa pagpilit kong kumain ka na, matulog nang maaga, para ika'y titigan ko habang ika'y nahihimbing sa aking piling
hindi na kita ipaglalaban, dahil kahit kailan ay hindi mo man lang ako sinubukang mahalin kahit na ako'y naghihirap man din, hindi mo pinansin ang pagpupuyat ko gabi-gabi sa aking tahanan, ang pagpilit kong payagan tayo ng tadhana na magmahalan, at pagmamahal ko sa'yo sa lahat ng posibleng paraan