Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa Mga papeles na nagpatung-patong na Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa. Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga. Dahil crush niya daw si Justin Bieber At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel. Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga. Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler.
Tangina.
Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala Kaya hayan at napagalitan ka pa. At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo.
Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko Ay may kakaibang dalang saya. Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan. Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang. Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa. Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA. Himala! Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya.
Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan O kaya sa dyip ay makasabit man lang. Basta makauwi ka lang.
Nakakasabik pa rin ang ideya Na ang bawat pag-uwi Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti.
Mayroong yakap na nakaabang Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan. Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan.
Nakahain na rin ang hapunan. “Mahal, ano ba ang ulam?” Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan. Simulan natin sa simpleng kamustahan. Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.