Sa dilim ng gabi ay nakapako ang mata Sa maputing liwanag ng makina Na tanging nagdudugsong sa manipis na hibla Ng ating kasalukuyan at umpisa Ng ating pangarap at mga alaala
Diretso ang tingin at sa bawat lubog ng daliri Ay nabibigyang-buhay ang mga hikbi