Tungkol saan kaya ang isusulat ko? Dito sa papel at lapis na hawak ko? Tungkol kaya ‘to sa kapaligiran ko? O sa nararamdama’t karanasan ko? Ngayon, nananatiling blangko si papel Nakasulat palang itong si letrang “L” Hayy ‘di pa naman tumutunog ‘tong si “bell” Kaya gagamitin nalang muna si “cel” At lumipas ang mahigit isang oras Napansin ko, ako’y nagsayang ng oras! Hayy nakoo! Bakit dito bilis mo oras?! ‘lam mo nang ayokong tumayo sa labas. Nakoo ‘yan na si teacher [insert pangalan]! Ay! Itago! Itago si “cel” bilisan! Ibalik si papel! ‘tong lapis tasahan! Para ‘di guilty mukha, boses lakasan! Ay teka’ ba’t si teacher’ dito ang *****? Parang umaapoy kanyang mga mata Biglang kinabahan na parang ‘sang bata, Hayy nakoo! Ako ata’y lagot nanaman! Nahugot agad si “cel” sa pagalapit niya At inilagay niya sa drawer ng mesa niya Itong aking nararamdaman, ‘di kaya Pawang nan’liliit’ sa labis na hiya. Kaya kasama ulit si blangkong papel Kasama narin ‘tong si tanging letra “L” Ngunit ngayo’y ang lungkot’ wala na si “cel” At saktong tumunog itong si lokong “bell”.
dedicated to all my fellow Filipinos here in Hellopoetry!
My first and only poem written in my native language.