Nang makilala kita tila nagbago, Nagbago ang mundo ng pagkabigo. Isang rosas na puno ng ganda Ang halimuyak ng bulaklak Nang lapitan ka'y, dibdib kumaba
Mahal ba kita?
Isang tanong na bumagabag sakin isipan Isang tanong na hudyat ng hindi kasiguraduhan Gayunpaman, ika'y ikinilala Tumagal ang panahon Ako'y sigurado na.
Mahal na kita.
Isang pangungusap na kumakausap at nakikiusap at humihingi ng isa pang pangungusap Na tila isang salita lamang ang kailangan palitan.
Mahal din kita.
Nakakatuwa na sa isang salita ay mababago na ang tunay at kung ano ang pakay Ika'y lumapit, yumakap Nagsalita ang iyong bibig,
"Mahal sana kita."
Tanggap ko at maghihintay ako Tawagin mo man akong martir Pero mahal, hanggang sa huling dako Wag sana mahuli at mahuli ng ibang tao Hanggang sa aking huling paghinga