Palalayain na kita Mahal. Malaya ka na mula sa hawlang magkasabay nating binuo noong mga panahong ako pa ang kasama mo. Palalayain na kita, mula sa mga ala-alang matagal ding nanahan sa aking isipan. Nakulong. Nakulong ako sa mga pangako **** akong lang. Ako lang ang mahal mo at wala ng iba. Kinulong. Kinulong ko ang sarili ko sa iyo. Sinarado ang pintuan ng puso upang walang makapasok na iba sapagkat ang tanging kagustuhan ko lamang ay tayong dalawa. Ngunit tila ang pintuan ng iyong puso ay naiwang nakabukas dahilan kung bakit may nakapasok na iba. Lumaban, Lumaban ka ngunit sa huli ay sumuko ka rin. Nilabanan ko ang lahat ng sakit para sa iyo sa kagustuhang maibalik ang dati sa atin resulta ng pagkakakulong mo sa puso kong punong puno ng sakit at pait. Pinapalaya na kita dahil sa bawat araw na wala ka sa aking tabi kahit sa aking ang iyong pag uwi ay ramdam kong ayaw mo na. Hindi ka na masaya. Matagal rin akong nanahimik kahit masakit. Pero, huli na ito. Tama na. Nasasaktan ka na. Pero mas nasasaktan mo na ako. Hindi ko na kaya. Sobra na. Sobra na ang sakit ng ginawa **** pag papalaya sa mga pangako **** parang ibon mo lang ay kung paliparin. Ayoko na. Masakit na. Kaya Mahal, palalayain na kita. Hindi dahil hindi kita mahal, kundiΒ Β kailangan kong mahalin ang sarili ko dahil ubos na ubos na ako. Mahal na mahal kita, pero tama na. Ang sakit sakit na. Malaya ka na.
First time ko gumawa ng tagalaog na tula. Kaya libre lait. hahaha!