Ilang taon mo na ba akong ginugulo? Ilang umaga na ba akong nagigising na litong-lito? Ilang linggo na bang hindi na gustong dumalo? Ilang araw na tinatanong ang sarili ko
Ano bang nawawala sa akin at hindi ko matagpuan? Ano bang kulang at hindi ko mapunuan? Bakit kahit ilang beses kong subukan Ang puso ko gusto ka nang sukuan?
Hindi ko kasi kayo maintindihan Ang daming kailangang gawin at patunayan Hindi ko makuha ano ba ang dahilan Kaya ang sarili ko ngayon, nahihirapan