Ilang taon na ang nakalipas ng huli kong masilayan ang haplos ng pag-asa. Ang paghangad na makapiling ka, na siyang nabaon lamang sa alikabok ng kahapon.
Halintulad sa isang bangungot, ang sakit at pait na kanyang dinulot. Kahit anung pagsusumidhing magising ang gawin, hindi matanggal-tanggal ang sakit at bakas ng pag-asang paulit-ulit na binigo.
Sa mataimtim na panalangin, sinubukan kong idaan. Huwag lamang bumitiw sa pangakong dala ng pag-asa. Sa bandang huli, subalit akin ring napagtanto, mga naturing na panalangin, para bang mga salita, na isinambit lamang sa alapaap, hindi dinidinig ng nasa Itaas.
Kaya't ako'y sumusuko na. Tama na. Sukdulan na ang pighati ng aking puso na umaapaw sa kirot, na nagdurugo dahil sa ipinagkait na pag-asa.
Parang isang pilas na papel, na sinulatan at minarkahan para lamang lukutin, itapon, at nagmistulang balewala -- walang isinulat at hindi sinulatan.