Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”
Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”
Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”
Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”
Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa..
Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin
Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta
Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko
“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin
Yung mga titig mo Yung mga titig mo
Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo
Yung ikaw
Yung ako
Pero… Yung akala kong may “tayo”
Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema?
Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””