Akala ko, tadhana lamang ang mapaglaro. Ngunit aking natanto, ika'y mas mapaglaro. Binuhay mo ang pihikan kong puso at ito ay pinaibig ng husto. Yun pala, ako'y iyong iiwanan sa dulo.
Ginawa mo lamang akong tanga. Tao sa aking paligid ay natatawa. Kasawian ko ay iyong kasiyahan. Sana maaga akong nagising sa aking kahibangan. Ako sana ay hindi nagdurusa ng lubusan.
Hindi po it maaaring isalin sa kahit ano mang porma ng walang pahintulot ng sumulat. Ito ay aking sinulat na orihinal