Nagsimula lahat ito noong nabasa ko ang sulat mo Unti-unti kong binasa ang bawat letra na sinasambit mo Ramdam ko ang sakit, pagmamahal at panghihinayang na iyong nararamdaman Pero wala akong magawa dahil ako ay may kasalanan.
Akala ko sa una lang to pero bakit habang tumatagal ay lalong bumabaon sa aking puso. Ang hirap kalimutan ang mga panahon na tayo'y pinagtagpo Lagi kung pinagdarasal na balang araw ay mapatawad mo ako Pero ito ay iyong tatandaan, gagawin ko ang lahat para matupad ang aking pangako.