Nagkalat-kalat na mga lupain Tayo sa kanya’y mga panauhin Nangag mula sa isang lipi Ganda niya’y sa puso namutawi
Oo nga’t siya’y marikit Mga biyaya sa kanya’y di pinagkait Minsa’y tinaguriang perlas ng silangan Nakilala bilang ating Inang bayan
Lupain nang mga datu’t mandirigma Ng prinsesa’t mandirigmang si Urduja Mababanaag sa kanyang mukha Katapatan, respeto’t mga paniniwala
Iningatan ng mga mapagbiling ninuno minahal at niyakap nang taos sa puso itong lupang ating pinananahanan ating pinangalagaang lubusan
Minalas nga’t nilingon ng mga dayuhan Lupang itinago ng mga karagatan, Dala daw nila’y kaligtasan at kapayapaan, Yun pala’y hangad nila ating bundok na yaman
Españang eskultor nang kapalaluhan Tagapagdala ng mga salot ng kinabukasan Baboy na mga putting inutil Mga lapastangang mga kanluranin!
Tinuran nilang Indio’t mangmang Dinuraan at sa putik ay pinagapang Pinayuko’t pinaluhod sa Niñong santo Santong pinambulagan ng mapaglilong demonyo!
Alipin nila kung pandilatan, Mga uto utong pinagkikindatan Likas na mga katutubong maamo Tiningala silang kaibigang totoo
Nakaambang mga tigre’y inamo’t pinatulog Pinaamo nang mabagsik na mga kulog Sa bagsik ng pluma’t itak Napukaw mga mandirigmang hinamak
Gitlang mga hilaw na labanos Nagsipag kuha ng mga pistola’t español na naghihikahos Di inakalang mga Indio’y matututong lumaban Gumising para sa kapakanan niya’t kalayaan
Estrelya ng pag-asa’y kanilang nasilayan Sinambot ang kamalayan at kanlurang katuruan Sa mga ganid na Kastila’y inihain Balaraw ng karunungang matalim
Ritaso ng nakaraan, ngayon at kinabukasan Piagtagpi tagpi, tinahi’t tinapalan Mga pulo’y pinaglapit Mga puso’t hanari’y naging isa kahit saglit
Epiko ng ating pinagmula’y muling nabuo Ating lahi’y tumayo’t hinarap ang mundo Laking galak na lamang natin sa pluma ni gat Jose Rizal Sa kanyang dunong na nagmula sa Maykapal.