'Wag **** sabihing mahal mo ako Kung noong mga panahong hinahanap ko ang yakap mo Ako'y tinalikuran mo't iniwang nakalutang Sa pag-asang ako'y iyong babalikan.
'Wag **** sabihing mahal mo ako Kung ang pagsuyo mo ay mas malamig pa sa yelo, Ang ulan ma'y bumubuhos Ang damdamin ko'y nauubos.
Tama na ang paikot-ikot na laro Wakasan na ang ugnayan na dati'y kay lago Hiling ko lamang, nawa'y ang ating luha ay matuyo Sa lakas ng hangin dala ng ating pagtayo.