Hi miss Pwedeng pakiss Namimiss na kasi kita Ang tagal mo na kasing wala
Hinihila pa din kasi ako Ng lubid na itinali ko sa puso mo Ayaw maputol sa sobrang tibay Ilang beses ko nang sinubukan pero sablay
Kung sabagay rurupok din yan pag tagal Mauubos din yang lubid ng pagmamahal Matagal pero kakayanin yan Naniniwala ako na hindi ito suntok sa buwan
Larawan natin ay isa isa ko nang nabura Ngunit na-aalala pa rin ang maganda **** mukha Oo dukha na ako Kasi naghihirap ako makalimutan lang ang mga panahong naging tayo